Pamahalaang Lungsod ng San Pedro 7-Time SGLG Passer

Dinaluhan ni Mayor Art Mercado (December 14) ang 2023 Seal of Good Local Governance (SGLG) National Awarding Ceremony ng Department of the Interior and Local Government (DILG) kung saan napabilang ang Pamahalaang Lungsod ng San Pedro sa 7-Time SGLG Passers sa buong Pilipinas.

Bilang 7th time na SGLG Awardee—5 consecutive years nito ay sa ilalim ng pamumuno ni dating Mayor Baby Cataquiz—ay patunay na patuloy ang pagkilala ng DILG sa katapatan at kahusayan sa pamamahala ng ating lungsod.

Maraming salamat po sa lahat ng kawani ng ating lokal na pamahalaan na tumutulong at nakikiisa sa pagpapabuti natin sa Lungsod ng San Pedro.

San Pedrense, para sa ating lahat ito!

#UnaSaLaguna

Scroll to Top