Blood Letting Activity

ANUNSIYO | Magsasagawa ng Blood Letting Activity ang Pamahalaang Lungsod ng San Pedro sa pamamagitan ng San Pedro City Health Office sa Biyernes, ika-10 ng Nobyembre sa Ceremonial Hall, 4th floor, San Pedro City Hall. Ito ay magsisimula ng 8:00 ng umaga hanggang 3:00 ng hapon.

Sa lahat ng nais mag-donate, pinapaalalahanan po na siguruhing mayroong sapat na tulog o at least (6) anim na oras bago ang pagdodonate. Hindi din po pinapayagang mag-donate ang mga umiinom ng maintenance medicine o ang mga nag-inom bago ang araw ng blood donation. Hindi rin po pinapayagan na mag-donate ang mga nakapagpa-tattoo na hindi pa umaabot ng (1) isang taon. Maaari po nating anyayahan ang ating mga kapamilya at kaibigan sa ating Blood Letting Activity.

Para sa karagdagang tanong ukol sa nasabing aktibidad, makipag-ugnayan lang po sa San Pedro City Health Office sa numerong 8808-2020, local 302.
Maraming salamat po!

#SanPedroPAIO
#UnaSaImpormasyon
#UnaSaLaguna

Scroll to Top