Assistance to Individuals in Crisis Situation o AICS

TINGNAN | Ang Department of Social Welfare and Development (DSWD-National) sa pakikipagtulungan ng Pamahalaang Lungsod ng San Pedro at opisina ni Senador Imee Marcos, ay matagumpay na nagpaabot ng tulong para sa 1,200 na benepisyaryo ng Assistance to Individuals in Crisis Situation o AICS kahapon, ika-7 ng Nobyembre 2023 sa San Pedro Astrodome. Kasama din sa mga tumulong upang maging posible ang programang ito ay sina Vice Governor Karen Agapay at Cong. Ruth Mariano Hernandez.

Ang programa ay naglalayon na tulungan ang ating mga mahihirap na kababayan na nasa krisis upang matugunan ang kanilang mga pangangailangan.

#SanPedroPAIO

#UnaSaImpormasyon

#UnaSaLaguna

Scroll to Top