Congratulations and Happy Graduation San Pedro PUPians!

“Naimbitahan ako kaninang tanghali na mag-bigay ng mensahe para sa ating mga graduates ng Polytechnic University of the Philippines San Pedro, na siyang nag-cecelebrate din ng kanilang 20 years of excellence sa paglilingkod sa ating mga kabataan at bayan.

Sa totoo lang, graduations ang pinaka-favorite event ko noong nag-aaral pa ako. Dito natatapos ang buhay estudyante na kasama lagi ang mga kwento, struggles, at mga adventures na matagal nating tinatahak, pero dito rin magsisimula ang una nating hakbang sa mundo ng uncertainties and opportunities. Kaya naniniwala ako, kasama ang City Government of San Pedro, ang bawat graduates natin ngayong taon ay magkakaroon ng magandang kinabukasan dahil sa kanilang pagtitiyaga, ating pagtutulungan, at alam ko na masisipag kayong lahat. Walang imposible sa taong nagsisipag at higit sa lahat ay may pananalig sa Diyos.

Binabati ko ang mga nagsipagtapos sa PUP San Pedro Campus ng isang maligayang pagtatapos! Marami at malayo pa ang mga landas na inyong tatahakin kaya maging persistent sa pag-abot ng inyong mga pangarap. Continue to be inspired and motivated on your endeavors. Walang mekus mekus yan! I wish for your continued success in the years to come.

Muli, congratulations to Batch 2023!”

#UnaSaLaguna

Scroll to Top