Binigyan ng parangal ang mga public school teachers sa ating lungsod bilang parte ng World Teachers’ Day Celebration sa Robinsons Galleria South.

Binigyan natin ng parangal kanina ang mga public school teachers sa ating lungsod bilang parte ng World Teachers’ Day Celebration sa Robinsons Galleria South. Nagkaroon po tayo ng munting programa at namigay na din tayo ng mga konting regalo para sa lahat ng public teachers.

Palagi ko pong sinasabi na napakalaki ng tungkuling ginagampanan ng ating mga teachers pagdating sa nation building. Kayo po ang humuhulma sa ating future leaders at naglilinang sa mga karunungan at kaalaman ng bawat estudyante. Nais ko pong gamitin ang pagkakataong ito na magpasalamat sa inyo, our dearest teachers, sa inyong sakripisyo at serbisyo para sa bayan. Maraming salamat po dahil kaakibat namin kayo sa pagpapatuloy ng ating programa at sa pagsiguro na maging #UnaSaEdukasyon ang Lungsod ng San Pedro.

Bukas naman po ay private school teachers naman ang makikisaya sa ating celebration. Salamat po sa SDO-San Pedro sa pag-organize ng 2-day celebration na ito.

Ang saya ng puso kong makitang masaya ang ating mga teachers. 🥹 Muli, Happy World Teachers’ Day po!”

#UnaSaLaguna

Scroll to Top