#GanapSaTESDALaguna

Nagkaroon ng pulong si TESDA Laguna Provincial Director Ava Heidi V. Dela Torre kay San Pedro City Mayor Art Joseph Mercado sa Mayor’s Office sa Lungsod ng San Pedro. Kasama ni PD Dela Torre ang mga opisyal mula sa San Pedro Technological Institute (SPTI), sina Dr. Mabeth Salazar at Mr. Derick O. Berroya.

Nagkaroon ng konstruktibo at produktibong usapan ang parehong mga partido tungkol sa mga pangangailangan sa pagsasanay ng Lungsod ng San Pedro at ang mga posibleng paraan kung paano makakatulong ang TESDA sa pagtugon sa mga pangangailan na ito.

Ipinahayag ni Mayor Art Mercado ang pagnanais ng lungsod na mapabuti ang kakayahan ng kanilang mga residente sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga kaukulang at up-to-date na oportunidad para sa vocational training na nag-aaddress sa mga partikular na pangangailangan ng lokal na labor market.

Ang pulong na ito ay nagdulot ng positibong pag-unawa sa pagitan ng TESDA Laguna at Pamahalaang Lungsod ng San Pedro, na may layunin na makatulong sa pagpapabuti ng kabuhayan at kinabukasan ng mga taga-San Pedro.

#SaTESDALingapAyMaaasahan

Scroll to Top