Congratulations sa lahat ng ALS graduates natin ngayong taon!

“Congratulations sa lahat ng ALS graduates natin ngayong taon!

Pinatunayan ninyo na ang edukasyon ay hindi limitado sa silid-aralan lamang; at hindi hadlang ang mga pagsubok sa buhay upang makamit ang inyong mga pinapangarap.

Continue defying the odds! Sa darating na bagong kabanata ng inyong buhay, dalhin ninyo ang mga aral, mga kaibigan, at mga alaala na tumulong sa iyong paglalakbay. Hindi lamang kayo gumraduate, tumatayo na rin kayong inspirasyon sa lahat ng nakakita ng progress ninyo. Patuloy niyong tunguhin ang inyong mga layunin at mag-iwan ng marka sa mundo, dahil kayo, tayo, ang magbabago at magpapaunlad nito.

Muli, congratulations!”

#UnaSaLaguna

Scroll to Top