“Tulong Pinansyal sa mga Mag-aaral na Magsisipagtapos S.Y. 2022-2023”

ANUNSYO | Ang iskedyul ng payout ng mga kolehiyo sa Agosto 25, 2023 (Biyernes) para sa programang “Tulong Pinansyal sa mga Mag-aaral na Magsisipagtapos S.Y. 2022-2023” ay hindi na hahatiin at mangyaring magpunta na lamang ang mga may apelyidong nagsisimula sa letrang A hanggang Z sa ganap na 8:00 AM – 4:00 PM sa Robinsons Galleria South, ika-apat na palapag, malapit sa Tom’s World mula 8:00 ng umaga hanggang 4:00 ng hapon.

Mga kailangang dalhin:

1. Slip form na ibinalik ng validator

2. Orihinal at Kopya (harap at likod) ng Valid Government ID o School ID ng estudyanteng tatanggap

*hindi po tatanggapin ang expired na ID

*hindi rin po tatanggapin ang authorization letter

Para sa karagdagang impormasyon at katanungan, makipag-ugnayan lamang sa City Social Welfare and Development Office (CSWDO) sa numerong 8808-2020 lokal 212/121, Lunes hanggang Biyernes mula 8:00 AM-5:00 PM.

#UnaSaEdukasyon

#UnaSaImpormasyon

#SanPedroPAIO

#UnaSaLaguna

Scroll to Top