Tulong Pinansyal sa mga Mag-Aaral na Magsisipagtapos para sa S.Y. 2022-2023

TIGNAN | Nagsimula na kaninang umaga, Agosto 22, 2023, Martes, ang payout para sa Tulong Pinansyal sa mga Mag-Aaral na Magsisipagtapos para sa S.Y. 2022-2023 sa 4th Floor, Robinsons Galleria South. Isa lamang ito sa mga proyektong pang-edukasyon ng Pamahalaang Lungsod ng San Pedro at isa sa mga hakbangin upang ang ating Lungsod ay maging tunay na #UnaSaEdukasyon at #UnaSaLaguna.

Narito ang iskedyul ng payout mula Agosto 23 hanggang Agosto 25: Mga nagsipagtapos ng Senior Highschool [Agosto 23, 2023, Miyerkules]• 8:00 AM – 4:00 PM – A hanggang J (na apelyido) Mga nagsipagtapos ng Senior Highschool [Agosto 24, 2023, Huwebes]• 8:00 AM – 4:00 PM – K hanggang Z (na apelyido) Mga nagsipagtapos ng Kolehiyo [Agosto 25, 2023, Biyernes]• 8:00 AM – 12:00 NN – A hanggang J (na apelyido)• 1:00 PM – 4:00 PM – K hanggang Z (na apelyido)Mga kailangang dalhin:1. Slip form na ibinalik ng validator 2. Orihinal at Kopya (harap at likod) ng Valid Government ID o School ID ng tatanggap *Kung menor de edad, orihinal at kopya (harap at likod) ng Valid Government ID ng magulang o tagapangalaga at School ID ng tatanggap *hindi po tatanggapin ang expired na IDPAALALA: • Basahing mabuti at sundin po natin ang itinakdang petsa at oras para sa pay out ng bawat mag-aaral. Para sa karagdagang impormasyon at katanungan, makipag-ugnayan lamang sa City Social Welfare and Development Office (CSWDO) sa numerong 8808-2020 lokal 212/121, Lunes hanggang Biyernes mula 8:00 AM-5:00 PM. #SanPedroPAIO#UnaSaImpormasyon#UnaSaLaguna

Scroll to Top