4-Day Moving Up Ceremonies with our Day Care students and parents.

4-Day Moving Up Ceremonies with our Day Care students and parents.

Hindi natin pinalagpas makita ang munting graduation ng ating mga day care students, ang mga susunod na leaders and professionals ng ating bayan.

Lagi nating naririnig tuwing graduation ang mga kasabihan, “ang kabataan ang pag-asa ng bayan”.

Kaya naman tino-todo natin ang suporta sa ating education sector hindi lamang sa kanilang tertiary education, pero pati narin sa kanilang Early Childhood Education. Importante rin ang preschool hindi lamang dahil dito itinuturo ang basics ng pagbabasa at pagsusulat, kundi maging ang core values gaya ng disiplina at pagmamahal sa bayan ay dito rin nai-introduce.

Kaya importante na magkaroon ng pag-agapay sa preschool education, hindi lamang dahil sa mga medalya na matatanggap ng mga bata, kundi sa kanilang mga life skills na dadalhin paakyat ng elementarya, hayskul, at maging sa kanilang pagtanda.

I have high hopes and prayers for our students. Alam ko na sila ang magdadala sa kinabukasan ng ating bayan, kaya sa panahon na natututo sila, andito tayo upang umagapay sa kanila.

To our dear parents and students, congratulations sa inyong lahat! Katuwang ninyo kami, ang City Government of San Pedro sa pag-gabay sa ating mga kabataan!

#UnaSaLaguna

Scroll to Top