ANUNSYO | Muling binuksan ang proseso ng PhilSys National ID Registration sa San Pedro City Hall.

Bilang tugon sa patuloy na pagtaas ng bilang ng mga nais magparehistro at magkaroon ng National ID, magsasagawa ang Philippine Statistics Authority (PSA) – Laguna ng LGU-Based National ID Registration sa lobby ng San Pedro City Hall tuwing Lunes at Martes, mula ika-8:00 ng umaga hanggang ika-5:00 ng hapon, simula ngayong araw, Mayo 19, 2025.

Inaanyayahan ang mga mamamayan na samantalahin ang pagkakataong ito upang makapagpatala at makakuha ng naturang dokumento.

#UnaSaImpormasyon
#UnaSaLaguna

Scroll to Top