Pinuri at pinarangalan ng Pamahalaang Lungsod ang mga empleyado na nagpakitang-gilas sa nakaraang City Hall Employees’ Sportsfest 2024 ngayong umaga sa Flag Raising Ceremony.
Kabilang sa mga kalahok na isports ay ang E-Sports (Mobile Legends Tournament), Badminton, Basketball at Volleyball.
Ayon kay City Mayor Art Mercado, ang aktibidad na ito ay isang pagkakataon na makapag-bonding ang bawat empleyado sa kabila ng pagiging abala sa trabaho sa kanya-kanyang mga opisina. Hangad din ni Mayor na mas marami pa ang mga kawani ang makasali sa susunod na Sportsfest.