ANO ANO NGA BA ANG MGA KAILANGAN SA PAG REHISTRO NG BIRTH CERTIFICATE?

ANO ANO NGA BA ANG MGA KAILANGAN SA PAG REHISTRO NG BIRTH CERTIFICATE

Kung wala kang ideya para sa pag rehistro ng birth certificate ni baby ay narito ang mga impormasyon na dapat mo malaman. Kung papano ito i- file at
masiguro na ito ay rehistrado na.

1. Certificate of Live Birth (COLB) Form

Ang unang requirements ay Ang nasagutang COLB form. Siguruhin na tama lahat ng impormasyon tungkol kay baby at iba pa. Lalo na ang tamang spelling ng pangalan, gender at tamang petsa ng kapanganakan na madalas na nagiging pagkakamali ng marami.

Para sa mga nanganak sa hospital o lying-in , ang certificate of live birth ang mangagaling mismo sa kanila na ngpaanak sa inyo.

2. Certified true copy of Marriage Certificate/Contract ( for married couples)

Kailangan din dalhin ang kopya ng Marriage Contract kung kayo ay kasal. Ito ay bilang patunay na legal na madadala ng bata ang apilyido ng kanyang ama.

3.Affidavit of Admission of Paternity at Affidavit to Use the Surname of the Father ( for Unmarried Couples )

Samantala para sa mga couples na Hindi kasal ay mga kinakailangan ding dokumento na dapat ihanda para magamit ng bata ang apilyido ng kanyang ama.
Affidavit of Admission of Paternity at Affidavit to Use Surname of the Father.
Maaari din ang isang private handwritten instrument o opisyal na dokumento na sulat kamay at pinirmahan ng ama ng inyong sanggol.

4. Valid ID’s

Ihanda ang photocopy ng inyong valid ID’s na magsisilbing supporting documents sa pagpaparehistro ng birth certificate ni baby. Maaarin din ang philhealth ,HMO at medical records bilang patunay ng inyong panganganak.

Kung kompleto na ang mga requirements ay dapat ng madala ang birth certificate sa Office of the Civil Registrar ng inyong lugar. Para sa mga nanganak sa mga hospital at lying-in ginagawa at inaasikaso na ito ng mga pinag anakang center o hospital. Pero sa mga nanganak sa bahay ay kailangan mo ito gawin ng personal. O hindi kaya naman ay ang midwife o manghihilot na nagpapanak sa iyo.

Mahalagang maipasa ang mga requirements na ito sa Office of the Civil Registrar sa loob ng 30 araw pagkatapos maipanganak ang iyong sanggol. Dahil kung lalagpas sa nasabing bilang na araw, ito ay maituturing ng delayed registration.

Maaarin ka na din kumuha ng certified true copy ng birth certificate ng inyong anak bilang patunay na ito ay legal na naka rehistro.

At sa loob ng anim hanggang walong buwan, at sa ibang pagkakataon ay umaabot pa ng isang taon para makakuha ng authenticated copy nito sa Philippine Statistics Authority (PSA).

Scroll to Top