Ipinapabatid sa lahat na magkakaroon ng pansamantalang pagtigil ng pamamahagi ng libreng gamot sa Botika ni San Pedro simula sa darating na Lunes, Enero 27, 2025.
Ito ay sa kadahilanang ang ating botika ay kasalukuyang nasa proseso ng pangkalahatang imbentaryo bilang paghahanda sa pagbili ng mga gamot.
Ang hakbang na ito ay upang matiyak ang sapat na suplay para sa maayos at epektibong pamamahagi ng mga gamot sa lahat ng benepisyaryo.
Abangan ang susunod na abiso para sa pagbabalik ng libreng gamot sa ating Botika.