TINGNAN | Idinaos ng Business Permits and Licensing Office, katuwang ang Department of Trade and Industry – Laguna ang pagpaparangal at paggawad ng mga premyo sa lahat ng mga nanalo sa San Pedro Lungsod Lunsad: RETASO, Piece of a Dream Project.
Ang Lungsod Lunsad ay proyekto ng Department of Trade and Industry na layuning suportahan ang inisyatibo para sa pagpapalago ng creative industry.
Matatandaan na nitong Disyembre 28, 2024 ay ipinamalas ng ating mga local designers ang kanilang mga obra gamit ang scrap textile upang mabuo ang isang makabago at kakaibang fashion items.
Nakatanggap ang bawat isa ng high-speed sewing machine at cash prize na makakatulong na mas mapaunlad pa ang fashion industry sa ating lungsod.
Kasama sa mga pinarangalan ay ang Belo Creation bilang Grand Winner, Stitch Collection bilang 1st Placer at Consolation Prizes naman para sa Bricks Collection, Chellan Couture at Obra ni Ydan.