asayang ibinabalita ng Pamahalaang Lungsod ng San Pedro ang muling pagtanggap ng mga aplikante sa Gawad San Pedro Academic Excellence Award para sa mga San Pedrense na nagtapos at nagkamit ng karangalan sa Kolehiyo at Licensure Examinations upang kilalanin ang kanilang husay sa larangan ng edukasyon.
Narito ang mga hakbang na kailangang sundin:
A. Para sa LATIN HONORS ng Kolehiyo at WITH MERIT/HIGHEST MERIT ng Post Graduate (Pribado at Publikong Paaralan-Batch 2024)
1. Dapat ay lehitimong residente ng San Pedro City
2. Mag-rehistro sa link na ito: https://forms.gle/HGvcc9sERzrvMjd57
(hanggang DECEMBER 23, 2024 lamang maaaring magrehistro online)
3. I-upload ang mga sumusunod na dokumento:
*Katunayan/sertipiko ng nakamit na karangalan
*Voter’s Certificate mula sa Comelec
*Larawan ng Pagtatapos
4. Personal na dalhin ang orihinal at dalawang (2) kopya ng mga dokumento sa Public Affairs and Information Office (PAIO) para sa balidasyon (hanggang January 10, 2025)
B. PASSERS ng Bar/Board Licensure Examinations 2024
1. Dapat ay lehitimong residente ng San Pedro City
2. Mag-rehistro sa link na ito: https://forms.gle/vxj9hPXsXMpXyHLu6
(hanggang DECEMBER 23, 2024 lamang maaaring magrehistro online)
3. I-upload ang mga sumusunod na dokumento:
*Katunayan/sertipiko ng nakamit na karangalan, eligibility o PRC License
*Voter’s Certificate mula sa Comelec
*Larawan ng Panunumpa
4. Personal na dalhin ang orihinal at dalawang (2) kopya ng mga dokumento sa Public Affairs and Information Office (PAIO) para sa balidasyon (hanggang January 10, 2025)
C. TOPNOTCHERS ng Bar/Board Licensure Examinations 2024
1. Dapat ay lehitimong residente ng San Pedro City
2. Mag-rehistro sa link na ito: https://forms.gle/vvsBoB2GugbSPqy1A
(hanggang DECEMBER 23, 2024 lamang maaaring magrehistro online)
3. I-upload ang mga sumusunod na dokumento:
*Katunayan/sertipiko ng nakamit na karangalan, eligibility o PRC License
*Voter’s Certificate mula sa Comelec
*Larawan ng Panunumpa
4. Personal na dalhin ang orihinal at dalawang (2) kopya ng mga dokumento sa Public Affairs and Information Office (PAIO) para sa balidasyon (hanggang January 10, 2025)
PAALALA: Sunding mabuti ang nakasaad na proseso upang magkwalipika sa naturang parangal.
Antabayanan ang iskedyul ng inyong parangal sa darating na Pebrero 2025.
Para sa karagdagang katanungan, maaaring tumawag sa numerong 8808-2020 local 217/216 o magpadala ng mensahe sa email add: paio.cityofsanpedro@gmail.com