Taos-pusong pagbati sa San Pedro City Anti Drug Abuse Council (CADAC) sa ilalim ng Public Order and Safety Office – City of San Pedro sa karangalang natanggap bilang isa sa mga pinakamahusay at pinakaepektibong Anti Drug Abuse Council sa buong bansa sa ginanap na 2024 ADAC Performance Awards: Matatag na Pamayanan, Sandata Laban sa Ilegal na Droga kahapon, ika-11 ng Disyembre.
Isa lamang itong patunay sa layunin ng Pamahalaang Lungsod na gawing Drug Free at Drug Cleared ang San Pedro City.
Upang masuportahan din ang kampanya kontra ilegal na droga, matatandaang naglungsad pa ng TEXT Hotline Number ang CADAC na tinaguriang ๐๐๐๐๐ (๐๐๐ง ๐๐๐๐ซ๐จ ๐๐ ๐๐ข๐ง๐ฌ๐ญ ๐๐ซ๐ฎ๐ ๐๐๐ฎ๐ฌ๐) noong Nobyembre 20, 2024 kung saan maaaring magreport ang mga San Pedrense hinggil sa mga aktibidad na may kinalaman sa bawal na gamot sa pamamagitan ng pagpadala ng Text message sa numerong ๐๐๐๐-๐๐๐๐๐๐๐.