Social Pension for Indigent Senior Citizen

ANUNSYO | Ang Department of Social Welfare and Development – DSWD Region IV-A Field Office, katuwang ang Office of the Senior Citizens Affairs (OSCA) San Pedro ay magsasagawa ng Payout para sa mga kasalukuyang benepisyaryo ng Social Pension Program for Indigent Senior Citizens sa Disyembre 4, 2024 (Miyerkules) sa 3rd Level, Robinsons Galleria South at Disyembre 5, 2024 (Huwebes) sa Events Place, Upper Ground, SM Center San Pedro.

Mga kailangang dalhin:

• Kung kayo ang benepisyaryo:

Dalhin ang Original at photocopy ng Senior Citizen’s ID na may tatlong (3) pirma o thumbmark.

• Kung ang claimant na senior citizen ay bedridden, hirap maglakad o may malubhang karamdaman at hindi maaaring personal na mag-claim ng kanyang social pension, maaaring mag-authorize ng pinakamalapit na kamag-anak (nearest kin) na kukuha ng kanyang social pension. Dalhin lamang ang mga sumusunod:

1. Original at photocopy ng Senior Citizen’s ID na may tatlong (3) pirma o thumbmark.

2. Photocopy ng valid ID ng claimant na may tatlong pirma.

3. Authorization Letter na may lagda o thumbmark ng senior citizen katunayan na siya ay nagbibigay pahintulot na kuhain ang kanyang social pension.

4. Magdala ng PRINTED na larawan na magkasama ang authorized representative at senior citizen na nilalagdaan ang kanilang authorization letter.

Narito ang iskedyul ng bawat barangay:

• December 4, 2024 (Miyerkules)

3rd LEVEL, ROBINSONS GALLERIA SOUTH:

Alas-8:00 ng umaga hanggang alas-12:00 ng tanghali

1. San Antonio

2. San Roque

3. Rosario

4. Maharlika

5. Landayan

6. Chrysanthemum

7. San Lorenzo Ruiz

8. Sto. Niño

Ala-1:00 hanggang alas-4:00 ng hapon

1. San Vicente

2. Pacita 1

3. Pacita 2

4. Cuyab

5. Poblacion

6. Nueva

7. Fatima

•December 5, 2024 (Huwebes)

EVENTS PLACE, UPPER GROUND, SM CENTER SAN PEDRO

Alas-8:00 ng umaga hanggang alas-4:00 ng hapon

1. Bagong Silang

2. Calendola

3. Estrella

4. GSIS

5. Langgam

6. Laram

7. Magsaysay

8. Narra

9. Riverside

10. Sampaguita

11. United Bayanihan

12. United Better Living

PAALALA:

• Basahing mabuti at sundin ang itinakdang petsa at oras para sa payout ng bawat Barangay.

• Ito ay para sa mga DATI nang benepisyaryo ng SocPen.

Para sa karagdagang impormasyon at katanungan, makipag-ugnayan lamang sa Office of Senior Citizens Affairs (OSCA) sa numerong 8808-2020 lokal 106, Lunes hanggang Biyernes mula 8:00 AM-5:00 PM.

#SanPedroPAIO

#UnaSaImpormasyon

#UnaSaLaguna

Scroll to Top