November 25, 2024, matagumpay nating inilunsad ang kick-off celebration ng 18-Day Campaign to End Violence Against Women. Sama-sama tayong nagtipon kasama ang mga elected officials, women’s groups, barangays, at civil society organizations upang ipahayag ang ating suporta para sa laban kontra sa lahat ng uri ng karahasan laban sa kababaihan.
Ang kampanyang ito ay isang paalala na ang bawat isa ay may papel na ginagampanan sa pagtataguyod ng isang ligtas, pantay, at makatarungang San Pedro.
Makiisa tayo sa layunin na wakasan ang lahat ng uri ng karahasan sa ating lungsod. Samahan ninyo nawa kami na simulan na ang pagwawaksi sa lahat ng uri ng karahasan laban sa mga kababihan. Tulungan ninyo kami na ibaba sa ating mga barangay, kapitbahayan, paaralan, at tahanan ang gender equality at gender sensitivity, na siyang makakatulong sa atin na magkaroon ng mindset na kokontra sa VAW. Ang pagtutulong-tulong nating ito laban sa VAW ang siyang magdadala sa atin papunta sa isang San Pedro na mangunguna sa Laguna hindi lang sa kaunlaran, kundi maging sa proteksyon ng karapatan ng bawat isa.