ALAMIN | Opisyal nang inilunsad ng City Anti Drug Abuse Council (CADAC), kasama ang Department of Interior and Local Government (DILG), PNP San Pedro, at Barangay Anti Drug Abuse Council (BADAC) ang SPADA o SAN PEDRO AGAINST DRUG ABUSE TEXT Hotline Number, kasabay ng pagdiriwang ng Drug Abuse and Control (DAPC) Week 2024.
Maaari nang mag-report ang mga San Pedrense ng mga kahinahinalang aktibidad na may kinalaman sa iligal o ipinagbabawal na gamot sa kanilang komunidad. Magpadala lamang ng mensahe sa numerong 𝟎𝟖𝟗𝟖-𝟎𝟎𝟏𝟑𝟕𝟖𝟒. Ang bawat mensahe ay ipoproseso at ibiberipika ng mga awtoridad sa loob ng apatnapu’t walong (48) oras.
Layunin nito na panatilihing Drug-Free at Drug-Cleared ang ating lungsod.
Sinisiguro ng pamunuan ng CADAC ang pagiging kumpedensyal ng impormasyon ng mga taong magre-report at ang pagpapairal ng Data Privacy Act of 2012.
PAALALA: TEXT message lamang ang tatanggapin ng naturang hotline. Mahigpit na ipinagbabawal na ito ay tawagan.