GOOD NEWS | Ikinagagalak na ibalita ni Punong Lungsod Art Mercado at ng Pamahalaang Lungsod sa lahat ng San Pedrense na magkakaroon na ng sariling Registry of Deeds ang Lungsod ng San Pedro!
With the signing of the Memorandum of Agreement between our City Government of San Pedro and the Land Registration Authority, magkakaroon na tayo ng ating sariling Registry of Deeds. Bahagi ito ng ating layunin na maghatid ng efficient, transparent, at accessible land services sa ating mga kababayan. Hindi na po natin kailangan lumayo, andito na lang sa atin.
Maraming salamat po sa ating LRA, city officials, and employees to make this possible. Marami pa po tayong dadalhing serbisyo sa ating bayan na hindi na kailangan lumayo pa ang mga kababayan! Para sa mas maunlad at mas progresibong San Pedro, #UnaSaLaguna!