TINGNAN | Bayanihan sa oras ng kalamidad.
Patuloy ang sanib-pwersa ng mga kinatawan ng Pamahalaang Lungsod sa relief goods repacking upang agaran nang maipabot ang tulong sa mga lugar na lubos na naapektuhan ng nagdaang #BagyongKristine
Para sa mga nais magpaabot ng tulong, narito ang pamantayan ng Department of Social Welfare and Development – DSWD sa pagbibigay ng donasyon:
(Lahat ng pagkain at hindi pagkain ay tinatanggap maliban sa mga sumusunod)
1. Mga pagkaing mawawalan ng bisa sa isang (1) taon mula sa petsa ng pagtanggap o malapit na ang expiration date.
2. Mga pagkaing hindi pumasa sa mga kinakailangang sanitary standards.
3. Formula Milk
4. Gamit o lumang mga Damit
5. Mga laruan na hindi pumasa sa pamantayan ng Food and Drugs Administration.
6. Mga Educational Materials na kinokontrol ng Kagawaran ng Edukasyon
7. Furniture and Equipment na kinokontrol ng Department of National Defense at National Economic and Development Authority
8. Anumang mga donasyon, serbisyo o pabor mula sa mga pagawaan ng Tabako