#LigtasUndas2024 | Narito ang ilang paalala ng Pamahalaang Lungsod sa mga dapat tandan upang mapanatiling ligtas at payapa ang paggunita sa ating mga yumaong mahal sa buhay.
Mga paalala sa pagpunta sa mga sementeryo:
-Magdala ng panangga sa ulan o init
-Tiyakin na ang kandilang nasindihan ay hindi makakalikha ng sunog o sakuna
-Alamin ang lugar ng Medical Team at PNP Assistance Hub
-Kapag may kasamang mga bata, tiyaking hindi sila mahihiwalay sa inyo. Maaari silang pagsuotin ng name tag na may address at contact number.
Mga ipinagbabawal na gawin sa loob ng sementeryo:
-Bawal mag-inum/maglasing
-Bawal magsugal
-Bawal ang maiingay o malalakas na tugtugin
-Bawal manigarilyo (maaaring makumpiska ang mga sigarilyo/vape/e-cigarettes kapag nahuli)
-Bawal magkalat (Tandaan ang: Basura Mo, Iuwi Mo!)
Mga bawal dalhin sa loob ng sementeryo:
-Matutulis o matatalim na bagay
-Baril
-Speakers/videoke machine
-Sigarilyo/e-cigarette/vape
-Flammable materials
-Alak o anumang inuming nakalalasing
-Baraha/Mahjong tiles/poker chips
Narito din ang San Pedro Emergency Hotlines na maaaring matawagan:
• Office of the Mayor – (02) 8808-2020 local 401
• San Pedro CDRRMO (San Pedro Aktibo Rescue Crew) – (02) 8403-2648 / 0998-594-1743
• San Pedro City PNP – (02) 8567-3381 / (02) 8864-1548 / 0998-598-5639 / 0998-953-0352
• San Pedro BFP – (02) 8808-0617 / 0936-470-2158
• City Fire Auxiliary Unit – (02) 8363-9392
• MERALCO – For SMS only, 0920-971-6211 (Smart) / 0917-551-6211 (Globe)
• Jose Amante Emergency Hospital – (02) 8868-5284
• Gavino Alvarez Lying-in Clinic – (02) 8519-0249 or (02) 8478-6270
Hinihiling ang inyong pagsunod sa mga panuntunang ito. Mag-iingat ang lahat!