Ikinagagalak na ibalita ni Mayor Art Mercado at ng Pamahalaang Lungsod ang isang makasaysayang araw para sa ating bayan—ang pagbubukas ng San Pedro City Diagnostic Center! Hindi na kailangang lumayo ng ating mga kababayan dahil mayroon na tayong sariling pasilidad. Ang SPDC ay magbibigay ng abot-kayang diagnostic services tulad ng CT-Scan, 2D-Echo, Mammogram, Ultrasound, at ECG para sa lahat ng taga-San Pedro. Ito ay isang mahalagang hakbang tungo sa mas malawak na access sa serbisyong pangkalusugan para sa ating mga mamamayan.
Sama-sama nating itaguyod ang isang mas malusog at mas maunlad na San Pedro.