Sun Han Medical Forum-Korea Medical Mission

NASA LARAWAN | Matagumpay na naidaos ang tatlong araw na Medical Mission ng Sun Han Medical Forum-Kores katuwang ang ating City Health Office sa Brgy. Langgam, Brgy. San Antonio at Brgy. San Vicente.

Kabilang sa mga natanggap na mga serbisyo ng mga San Pedrense ay ang pag-alam ng vital signs; ultrasound/ultrasonography; pagsusuri sa mata; pagsusuri sa balat; Check Up para sa mga bata at matatanda; internal medicine; acupuncture; minor surgery; cosmetic surgery; laboratory; at rehabilitation medicine.

Namahagi din ang grupo ng mga libreng gamot at bitamina.

Lubos na nagpapasalamat ang Pamahalaang Lungsod lalo na ang mga San Pedrense sa inisyatibong ito upang maibsan ang problema sa kalusugan.

Kamsahamnida!

#SanPedroPAIO

#UnaSaKalusugan

#UnaSaLaguna

Scroll to Top