City Government of San Pedro, ISO Certified na!

Malugod na ibinabalita sa lahat na ang ating City Government of San Pedro, ay ISO Certified na! Isang mainit na pasasalamat sa lahat ng department heads at empleyado ng Pamahalaang Lungsod ng San Pedro sa matagumpay na pagkamit ng ISO Certification noong Hulyo 24, 2024. Ang inyong dedikasyon at pagsusumikap ang nagdala sa atin sa tagumpay na ito.

Para sa mga minamahal naming kababayan, asahan po ninyo na patuloy naming isusulong ang kahusayan at pagiging epektibo sa aming mga serbisyo. Ang sertipikasyong ito ay isang hakbang lamang patungo sa ating inaasam na manguna sa Laguna. 🇵🇭

Mabuhay ang Lungsod ng San Pedro!

#SanPedroISOCertified

#ParaSaBayan

#UnaSaLaguna

Scroll to Top