Nagpaabot ng tulong si Bb. San Pedro 2024 Katrina Napigkit sa mga residente na inilikas sa Rosario at Landayan Evacuation Centers

Nagpaabot ng tulong si Bb. San Pedro 2024 Katrina Napigkit sa mga residente na inilikas sa Rosario at Landayan Evacuation Centers.

Sa pinakahuling datus ay mayroong nasa 16 pamilya ang nanunuluyan sa Rosario Evacuation Center samantalang nasa 39 pamilya naman ang nasa Landayan Evacuation Center.

Para sa mga nais magpaabot ng tulong sa mga nasalanta ng #BagyongCarina at Habagat, narito ang pamantayan ng Department of Social Welfare and Development – DSWD sa pagbibigay ng donasyon:

Lahat ng pagkain at hindi pagkain ay tinatanggap maliban sa mga sumusunod:

1. Mga pagkaing mawawalan ng bisa sa isang (1) taon mula sa petsa ng pagtanggap o malapit na ang expiration date.

2. Mga pagkaing hindi pumasa sa mga kinakailangang sanitary standards.

3. Formula Milk

4. Gamit o lumang mga Damit

5. Mga laruan na hindi pumasa sa pamantayan ng Food and Drugs Administration.

6. Mga Educational Materials na kinokontrol ng Kagawaran ng Edukasyon

7. Furniture and Equipment na kinokontrol ng Department of National Defense at National Economic and Development Authority

8. Anumang mga donasyon, serbisyo o pabor mula sa mga pagawaan ng Tabako

#UgnayanSaSanPedro

#UnaSaLaguna

Scroll to Top