Personal na namahagi ng hygiene kits at distilled water sa bawat kabahayan sa Carmen Homes, Brgy. San Antonio sina City Mayor Art Mercado Mrs. Mika Mercado at mga Department Heads

TINGNAN | Personal na namahagi ng hygiene kits at distilled water sa bawat kabahayan sa Carmen Homes, Brgy. San Antonio sina City Mayor Art Mercado Mrs. Mika Mercado at mga Department Heads.

Matatandaang gumuho ang isang pader sa naturang lugar dulot ng walang humpay na pag-uulan dahil sa #BagyongCarina at Habagat. Ito ang unang beses na nangyari ito sa lugar kung kaya’t agad itong inaksyunan ng Pamahalaang Lungsod.

Ang mga relief baskets ay naglalaman ng bigas, de-lata, shampoo, sabong panligo, toothpaste, toothbrush, alcohol, face masks, suklay, sabong panlaba, tuwalya, tabo, banig, unan na may punda, kumot at sanitary napkin.

#SanPedroPAIO

#UnaSaLaguna

#UnaSaKaligtasan

Scroll to Top