ALAMIN | Kabilang ang City Government of San Pedro sa mga ginawaran kahapon ng Gold Award ng Department of Interior and Local Government – Region IV-A para sa ating compliance sa Manila Bay Clean-up, Rehabilitation, and Preservation Program (MBCRPP) noong taong 2023.
Ang MBCRPP ay isang programa ng DILG na binuo bilang pagtalima sa desisyon ng Korte Suprema sa kasong MMDA vs. Concerned Residents of Manila Bay (GR Nos. 171947 at 171947, 18 Disyembre 2008 at 15 Pebrero 2011). Batay dito, pangungunahan ng DILG ang mga LGU sa Metro Manila, Rizal, Laguna, Cavite, Bulacan, Pampanga, at Bataan sa paglilinis ng Manila Bay at ng mga river systems nito.
Sa ilalim ng MBCRPP, sinusuri ng DILG ang pagsunod ng mga LGUs sa nabanggit na Manila Bay Mandamus sa mga aspektong Solid Waste Management, Liquid Waste Management, and Informal Settler Families.
Napabilang ang Lungsod ng San Pedro sa MBCRPP dahil ang mga ilog sa ating lungsod ay kabilang sa Pasig-Marikina-Laguna de Bay Basin, na bahagi rin ng river systems ng Manila Bay.
Patunay ang parangal na ito sa hangarin ng ating Pamahalaang Lungsod na manguna ang San Pedro sa buong Laguna, hindi lamang sa kaunlaran, kundi maging sa pangangalaga ng ating kalikasan!