MISINFORMATION ALERT

MISINFORMATION ALERT | Ipinapabatid sa lahat na WALANG KATOTOHANAN ang post mula sa Landbank hinggil sa pamamahagi ng Cash Assistance sa mga Mag-aaral sa lahat ng antas. Ayon sa Landbank-San Pedro, wala silang inilalabas na anunsyo na may kaugnayan rito.

Upang makasiguro na lehitimo at may basehan ang balitang natatanggap at hindi mabiktima ng anumang uri ng modus sa Social Media, mangyaring tumutok lamang sa mga Official FB Pages.

Para naman sa mga anunsyo at serbisyo ng Landbank San Pedro, mangyaring tumawag lamang sa numerong (02) 8808-5153.

#SanPedroPAIO
#UnaSaImpormasyon
#UnaSaLaguna

Scroll to Top