“Nagbabala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS-DOST) ukol sa mataas na antas ng sulfur dioxide emission mula sa Taal Volcano na nagdudulot ng volcanic smog o vog.
Sa Taal Volcano Advisory na inilabas nito ngayong 5:30 ng hapon, Setyembre 21, iniulat ng Phivolcs na aabot sa 4,569 tonelada kada araw ng sulfur dioxide ang ibinuga ng Bulkang Taal ngayong araw.
Narito ang ilang mga paalala at hakbang upang maprotektahan ang sarili mula sa epekto ng vog.”
Anunsyo mula sa Philippine Information Agency Calabarzon