𝐌𝐚π₯𝐒𝐠𝐚𝐲𝐚𝐧𝐠 𝐒𝐀𝐚-πŸπŸπŸ“ 𝐧𝐚 𝐭𝐚𝐨𝐧 𝐧𝐠 π€π«πšπ° 𝐧𝐠 𝐊𝐚π₯𝐚𝐲𝐚𝐚𝐧!

𝐌𝐚π₯𝐒𝐠𝐚𝐲𝐚𝐧𝐠 𝐒𝐀𝐚-πŸπŸπŸ“ 𝐧𝐚 𝐭𝐚𝐨𝐧 𝐧𝐠 π€π«πšπ° 𝐧𝐠 𝐊𝐚π₯𝐚𝐲𝐚𝐚𝐧!

Alam n’yo ba?
Ang Kalayaan ng Pilipinas ay idineklara ng higit sa isang beses?

Ilang beses ng idineklara ang Kalayaan ng Pilipinas. Noon, hindi laging ginugunita ng mga Pilipino ang deklarasyon ng kalayaan tuwing ikaw-12 ng Hunyo. Mula 1946 hanggang 1964, ika-4 ng Hulyo ang itinalagang petsa kung kailan pormal na natapos ng mga Amerikano ang kanilang kolonisasyon sa Pilipinas. Ito rin ay epektibong nagwakas sa Commonwealth Government na kanilang itinatag noong 1935.

Ipinasa ni Pangulong Diosdado Macapagal ang Republic Act no. 4166 noong 1964, na binago ang petsa na dating ika-4 ng Hulyo na ngayon ay ika-12 ng Hunyo na. Ginawa ito upang β€œmaalaala ng mga Pilipino ang mga bayani ng rebolusyon laban sa Espanya at ang kanilang kadakilaang nagawa; kabayanihan at pagkamartir.”

Sabay sabay nating gunitain ang Araw ng Kalayaan, Kinabukasan, at Kasaysayan!

#ArawNgKalayaan
#SanPedroPAIO
#UnaSaImpormasyon
#UnaSaLaguna

Scroll to Top