“WALANG NANGYARING PANGINGIDNAP” HAYAG NI SAN PEDRO PNP CHIEF ANDRADE

 

 

Base sa inulat ni San Pedro City PNP Chief Mark Anthony Andrade, at pagkaraan ng isang masusing forum na ginanap ngayong ika-9 ng Pebrero, alas kwatro ng hapon sa Sangguniang Panlungsod ng San Pedro kabilang sina City Admin. Filemon Sibulo at mga kinatawan ng City Health Office / Amante Hospital, napatunayan na walang katotohanan ang mga kuwentong kinabibilangan ng mga kabataang di umano ay dinukot at isinakay sa isang van. Wala pong naitalang report na nag rereklamo o dumulog sa himpilan ng San Pedro PNP na may kinalaman sa nabanggit na insidente. Naglatag din ng kongkretong ebidensya ang City Health Office na ang pasyenteng tinutukoy sa mga haka-haka ay hindi biktima ng pandurukot.

Hindi natin maiaalis na may mga taong magkakalat ng ganitong uri ng balita. Kami po ay nakikiusap sa lahat ng San Pedronians na huwag agad maniniwala at huwag pong maging kasangkapan sa pagpapalaganap ng mga ito. Lahat tayo ay magbantay at maging mapagmasid sa ating paligid. Ang ating kapulisan po ay patuloy na nagsasagawa ng mga checkpoints at ng Oplan Sita para po sa ikakaayos at ikakapayapa ng ating lungsod. Kung kayo po ay nangangailangan ng agarang Police Assistance, pakitawagan po ang mga numerong 868-8868 / 868-8886.