CITY HEALTH OFFICE PATULOY NA UMAAKSYON PARA MATUGUNAN ANG PANGANGAILANGAN NG MGA NATURUKAN NG DENGVAXIA

 

Bukod sa regular na pagdalaw sa mga paaralan at pagsasagawa ng checkup sa mga estudyanteng naturukan ng Dengvaxia, ang ating City Health Office sa pangunguna ni City Mayor Lourdes S. Cataquiz ay naglaan ng Dengue Express lane para sa nasabing grupo. Ang Dengue Express Lane po natin ay matatagpuan sa San Pedro Jose L. Amante Emergency Hospital at Gavino Alvarez Lying-In Center (GALIC) sa Brgy. Narra. Bukod sa masinsinang physical assessment at checkup para sa mga naturukan ng Dengvaxia, mayroon ding libreng laboratory para sa kanila.

Kung kayo po ay may katanungan, maaari po kayong pumunta sa San Pedro Jose L. Amante Emergency Hospital o Gavino Alvarez Lying-In Center (GALIC), o tumawag sa 868-5284.