DALAWAMPU’T TATLONG (23) FOODCART IPINAMIGAY NG BOTTOM-UP BUDGETING (BUB) LIVELIHOOD

 

Dalawampu’t tatlong (23) foodcart (3 in 1 package) ang ipamimigay ng Bottom-Up-Budgetting (BUB)-Livelihood para sa DOLE grant (for 2016) sa mga barangay ng Sampaguita, Bayan-Bayanan, Magsaysay, San Roque at Sto. Nino sa Feb. 6, 2018, 2pm. Katuwang si dating konsehala at kasalukuyang consultant ng BUB na si Leslie Lu, ay patuloy na binibigyan ng pag-asa ang mga residente ng lungsod upang maging kapaki-pakinabang sa lipunan at magkaroon ng sariling source of income na sapat upang makabuhay ng kanilang pamilya.