CITY MAYOR LOURDES S. CATAQUIZ PINARANGALAN ANG MGA PULIS NA NAGSASAGAWA NG OPLAN SITA

 

Labing walong (18) pulis ang pinarangalan ni City Mayor Lourdes S. Cataquiz dahil sa isinagawang “Oplan Sita” sa ating lungsod kabilang rin ang Special Reaction Unit at Special Weapon and Tactics (SWAT). Malaking karangalan ang mabigyan ng ganitong uri ng pagkilala upang lalo pa nilang pagbutihan ang pagserbisyo sa lungsod ng buong tapat, maipakita ang loyalty at dedikasyon sa trabaho. Ayon naman kay Mayor Cataquiz lahat ng ginagawang kabutihan ng pang araw-araw nating pulis ay hindi nalalaman ng lahat, at ang pagkakataong ito ang tamang panahon para makilala sila.


Kabilang sa mga ginawaran ng parangal ay sina Police Superintendent Mark Anthony M. Andrade, PCINSP Luis Perez, Noel Valdez, PO3 Gerald Anthony Zerda, PO1 Longernie Bajan, Von Gregory Manoos, Lester John Olivera, Jay-Ar Tabaossuarez, Vincent Unahan,, PO3 Roger Berdin, PO2 Florencio Emmanuel Ama, PO2 Joseph De Vera, Marlon Ricaros, PO1 Erwin Alzona, Alberto Eclavia, SPO1 Rommel Calanog, Francis Tabile at PO3 Cezar Regodon na naganap sa Cityhall of San Pedro noong Enero 29, 2018.