79 MIYEMBRO NG 4P’S NAKUMPLETO ANG SKILLS TRAINING PROGRAM

 

May 79 estudyante ang nagtapos sa Skills Training Program sa kursong housekeeping, caregiving at welding mula sa Advent Caregiver School, Inc. at Malasaga Institute of Technology.
Nagpaabot ng pasasalamat si City Mayor Lourdes S. Cataquiz dahil sa ibinigay na pagtitiwala ng mga nagsipagtapos, na mga anak at miyembro ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), sa Sustainable Livelihood Program ng lokal na pamahalaan.
Dumalo sina Coun. Edgardo Berroya, CSWD Head Fatima Autor, Advent School Registrar Bitsahabi Alonte, Malasaga Inst. President Engr. Edward Malasaga, at mga magulang at kaanak ng mga nagsipagtapos sa naganap na graduation noong Enero 25, 2018 sa Pavilion Hall.