MGA BAGONG FIRE TRUCKS IPINAMAHAGI SA MGA BARANGAY

 

Nagkaloob si City Mayor Lourdes S. Cataquiz ng apat (4) na bagong fire trucks para sa mga barangay ng Sto. NiƱo, Nueva, Sampaguita at United Bettter Living upang maging epektibo at mabilis ang pag-apula ng sunog sa kanilang barangay.
Iniabot ni Executive Asst. V Aaron Calixto S. Cataquiz ang susi, na simbolo ng lungsod ng San Pedro kina Brgy. Chairman Romel Anchoriz, Abelardo Alon-alon, Emmanuel Chavez at Bernabe Baldomar noong January 22, 2018 sa City Hall of San Pedro. Nagpahatid ng pasasalamat ang mga Brgy. Chairman dahil malaking tulong sa kanilang barangay ang mabilisang pagsugpo sa sunog at makakatulong rin umano ito sa pagresponde sa kanilang mga karatig barangay.