CITY MAYOR LOURDES S. CATAQUIZ NAGKALOOB NG 2 BAGONG FIRE TRUCKS SA BFP

 

Para sa mas epektibong pagtugon sa sunog ng Bureau of Fire Protection (BFP), ay nagkaloob si City Mayor Lourdes S. Cataquiz ng dalawang (2) fire trucks upang higit pang paigtingin ang kampanya ng lokal na pamahalaan na mabawasan o mabilisang masugpo ang sunog.
Kaugnay nito, iniabot nina Admin. Head Filemon I. Sibulo at Executive Asst. V Aaron Calixto S. Cataquiz ang susi, na simbolo ng lungsod ng San Pedro, kay City Fire Marshall Alma Cassandra A. Gardoce na nagpahatid ng pasasalamat dahil sa aniya’y malaking tulong ito sa tuwing may mangyayaring sunog sa lungsod. Idinagdag pa nito na makakaasa pa rin ang publiko na sisikapin ng buong hanay ng BFP at CFAU na patuloy ang kanilang pagsisilbi 24/7.
Nakiisa rin sa programa sina POSO Head Evangeline Allen at CFAU Head Ronnel Heredia na ginanap noong January 15, 2018 sa City Hall ng San Pedro.