BAGONG HEPE NG PNP-SAN PEDRO AT FIRE MARSHALL IPINAKILALA

 

Ipinakilala sina P/Supt. Mark Anthony M. Andrade bilang bagong hepe ng PNP-San Pedro, at Sr. Insp. Alma Cassandra Angeles Gardose bilang Chief City Fire Marshall ng BFP-San Pedro, sa mga department heads at kawani ng Pamahalaang Lungsod, noong ika-8 ng Enero, 2018, alinsabay sa weekly flag ceremony.
Samantala, humiling naman ng pakikiisa at pakikipagtulungan si Executive Asst. V Aaron Cataquiz sa mga kawani upang higit pang na mapagyaman ang lunsod at tuluyang makita at maramdaman ang pag asenso.