BUSINESS ONE STOP SHOP (B.O.S.S) DINAGSA

 

Binuksan ng Pamahalaang Lungsod ang taon ng sinserong paglilingkod sa mamamayan sa pamamagitan ng Business One-Stop-Shop (BOSS) sa lobby nito na sinimulan noong ika-3 ng Enero, at magtatapos sa ika-20 ng Enero, 2017.
Layunin ng BOSS na mapadali ang mga aplikasyon para sa renewal ng business permit gayundin ng mga bagong aplikasyon ng mga nagnanais na magtayo ng negosyo sa lungsod.