MGA NATATANGING EMPLEYADO NG LOKAL NA PAMAHALAAN, PINARANGALAN

 

Tumanggap ng special citation at individual loyalty award ang mga empleyado ng city government of San Pedro sa lobby ng city hall noong ika-29 ng Disyembre, 2017. Inihandog ang mga parangal sa mga empleyadong umabot ng 10, 15, 20, 25, 30 at 35 taon na nanilbihan sa Pamahalaang Lungsod.
Ang awarding ceremony ay pinangunahan ni dating mayor Calixto Cataquiz at Admin Head Filemon Sibulo, katuwang sina Vice Mayor Iryne Vierneza, Councilors Bobot Berroya, Kent Lagasca, Ina Olivarez, Bernadeth Olivares at consultant Toti Almeida.