LUNGSOD NG SAN PEDRO, IPINAGDIWANG ANG 4TH CITYHOOD ANNIVERSARY

 

Napuno ng kasiyahan ang hatid ng pagdiriwang ng ika-4 na taong selebrasyon ng cityhood ng San Pedro na binuksan sa pamamagitan ng isang misa sa lobby ng city hall (December 29, 2017).
Dumalo sina dating mayor at ama ng San Pedro Cityhood Calixto Cataquiz, Admin Head Filemon Sibulo, Vice Mayor Iryne Vierneza, City Councilors Bobot Berroya, Kent Lagasca, Ina Olivarez, at consultant Toti Almeida, department heads at city employees. Sinundan din ito ng “boodle fight” sa ganap na alas dose ng tanghali, at fireworks display ng 7pm.