MEDICAL MISSION ISINAGAWA SA SITIO SOUTHRIDGE AT SITIO SOUTHSIDE

 

Umabot sa 105 pasyente mula sa Sitios Southridge and Southside, Brgy. San Antonio ang binigyan ng free medical mission, prenatal check up at immunization ng City Health Office, sa pangunguna ni Dra. Raquel Manalastas, katuwang ang RHU physicians, Head Nurse Riah Fojas, RN Ryan Arboleda, at iba pa. Kasama rin na ibinahagi sa mga San Pedronians ang mga libreng gamot at bitamina .
Ang Gabay Kalusugan Program, na suportado ni City Mayor Lourdes S. Cataquiz at Executive Assistant V Aaron Cataquiz, ay isinagawa noong Dec. 18 at 19, 2017.