DREAM CULTURAL EXCHANGE PERFORMANCE

 

NABALOT ng kaligayahan, sayawan at kantahan ang Pamahalaang Lungsod ng ihandog ng Dream Asia International Foundation ang “Dream Cultural Exchange Performance” kung saan naghandog ng awitin at sayaw ang kanilang ipinagmamalaking sikat na mang-aawit na si Jeong Eungyo.
Kanilang ipinakita at ibinahagi ang kanilang sariling kultura sa larangan ng musika na ikinahanga ni City Mayor Lourdes S. Cataquiz at mga kawani. Bilang pasasalamat ng pamahalaang lungsod, isang malaking cake ang hinati para sa lahat ng departamento na sumisimbolo ng magandang samahan ng Good World at City of San Pedro.