SOCIAL PENSION IPINAMAHAGI SA 625 NA INDIGENT SENIOR CITIZENS

 

Umabot sa 625 na benepisyaryong senior citizens mula sa Lungsod ng San Pedro ang tumanggap ng kanilang social pension na P500 kada buwan mula sa National Government sa pamamagitan ng pamahalaang lungsod noong Disyembre 5, 2017 sa multi-purpose hall . Pinangunahan ng CSWD (City Social Welfare and Development) ang pamamahagi ng social pension sa naturang senior citizens na nanghihina na, sakitin, may kapansanan at walang natatanggap na pension o permanenteng pinagkukunan ng kita o di kaya suporta sa miyembro ng pamilya upang matugunan ang mga pangangailangan ng mga ito.

Layunin ng Social Pension Program na maisaayos ang pamumuhay ng mga mahihirap na senior citizens sa pamamagitan ng pagbibigay ng kakayahan sa mga ito na makabili ng pagkain, gamot at bitamina na sinuportahan ni City Mayor Lourdes Cataquiz.