MINI JOB FAIR SA BRGY. CUYAB MATAGUMPAY SA ISINAGAWA

 

NABIYAYAAN ng trabaho ang 31 na aplikante matapos na sila ay ma-hire-on-the-spot sa isinagawang Mini Job Fair ng Public Employment Service Office (PESO), sa pamumuno ni Engr. Lauren Hernandez, sa Brgy. Cuyab, noong ika-17 ng Nobyembre, 2017. Animnapu’t siyam (69) na aplikante ang dumagsa sa naturang job fair habang 9 na kumpanya naman ang nakibahagi dito.