DUGONG ALAY MO, DUGTONG NG BUHAY KO

 

Umabot sa 30 bags ng dugo ang nalikom sa Blood Letting Activity na tinawag na, “Dugong Alay Mo, Dugtong ng Buhay Ko,” na isinagawa ng Red Cross-Laguna Chapter, katuwang ang City of San Pedro sa ilalim ng pamunuan ni City Mayor Lourdes S. Cataquiz, sa Jose L. Amante Emergency Hospital (JLAEH), November 16, 2017, mula 9am hanggang 3pm.
Mahigit 50 katao kabilang ang ilang empleyado at staff ng San Pedro City Hall at nurses ng JLAEH ang nagbahagi o nag-donate ng kanilang dugo. Nanguna sina Dr. Richard Lagaya, team leader Agustina Doncillo at mga volunteers ng Red Cross-Laguna Chapter sa pagsasagawa ng naturang aktibidad.