CITY ANTI-SQUATTING TASK FORCE PATULOY NA NAGSASAGAWA NG CLEARING OPERATIONS

 

Nobyembre 16, 2017 – Patuloy ang pagsasagawa ng Clearing Operations sa buong lungsod ng San Pedro kung kaya’t hinimok ni City Anti-Squatting Task Force Head Arlene Quinto sa isang pagpupulong ang 16 kataong apektado ng operasyon mula sa Road lot 843 Bayan-bayanan Barangay San Vicente na paghandaan ang gagawing paglipat at mag simula ng maghanap ng maayos at ligtas na matitirhan. Makakatanggap ng financial assistance mula sa pamahalaang lungsod ang bawat pamilyang naapektuhan ng proyekto upang magamit sa paghahanap ng bagong tirahan at makapag simulang muli.