ISKOLAR NG LUNGSOD NG SAN PEDRO (ILSP) NAGDAGDAG PA NG 187 NA MGA ISKOLAR

 

May bilang na 187 ang karagdagang Iskolar ng Lungsod ng San Pedro (ILSP) na tumanggap ng sertipiko mula kay City Mayor Lourdes S. Cataquiz bilang pagtupad sa pagbibigay ng prayoridad sa edukasyon ng mga kabataan na iskolars mula sa ibat-ibang barangay.
Ayon kay Mayor Cataquiz, malaki ang kanyang pag-asa na kapag may mabuting edukasyon ang mga kabataan ay maiiahon nito sa kahirapan ang kanilang mga pamilya maging ang lungsod. Kailangang magsumikap sa kanilang pag-aaral ang mga iskolars at panatilihin ang mataas na grado upang tuloy-tuloy ang biyaya ng mabuting edukasyon hanggang makapagtapos ang mga ito sa pag-aaral.
Nagpaabot din ng pasasalamat ang mga ILSP recipients na sina Loren Mar Villanueva at Jihan Pacer. Nakiisa sina dating mayor Calixto R. Cataquiz ILSP Executive Chairman Aaron Cataquiz, Coun. Jimbo Ambayec at DILG Officer Jennifer Quirante na pinangasiwaan ni ILSP head May Salazar, na ginanap sa Multi-purpose Hall noong Nov. 15, 2017.